News in English

[In This Economy] Delulunomics: Kailan magiging upper-middle income country ang Pilipinas?

Kaya ba in this lifetime?

MANILA, Philippines – Bukambibig ng Marcos administration na malapit na tayong maging upper-middle income country. Pero sa totoo lang, ipinapangako na ito ng gobyerno 6 years ago, at hanggang ngayon, hindi pa rin nangyayari. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “doable” daw ang 8% na paglago ng ekonomiya natin sa kanyang termino.

Sa episode na ito, kasama si JC Punongbayan, resident economist ng Rappler, tingnan kung ano ang mga kondisyon para maging upper-middle income country ang Pilipinas, at kung kaya ba talagang maabot ito ng bansa.

Ang In This Economy ay serye ng Rappler na tumatalakay ng fast facts hinggil sa ekonomiya ng Pilipinas, pati ng iba’t ibang economic issues sa balita.

Si Punongbayan ay isang assistant professor sa University of the Philippines School of Economics. – Rappler.com

Читайте на 123ru.net