News in English

[PANOORIN] Real or fake: Deepfake news reports ang trend nitong 2024?

Ngayong 2024, maraming AI-generated content ang na-fact-check ng Rappler. 

Sa pamamagitan ng AI, ine-edit ang mga news clips mula sa mga pangunahing news outlet upang magmukhang tunay na ini-interview ng mga kilalang news anchor ang ilang health professionals. 

Ang layunin? Hikayatin ang mga tao na bumili ng mga produktong pangkalusugan na kadalasan ay hindi rehistrado sa Food and Drug Administration.

Sa 57 AI-related fact-check articles na na-publish ng Rappler ngayong taon, 44 dito ay nakatuon sa mga health-related claims. – Rappler.com

Presenter, producer, writer, video editor: Ailla dela Cruz
Videographer: Ulysis Pontares

Supervising producer: JC Gotinga

Читайте на 123ru.net