News in English

Sumali sa Tulâ Táyo 2025

Ito ay press release mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Ang Tulâ Táyo ay isang onlayn na timpalak sa pagsulat ng katutubong tulâ na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan.

Para sa 2025, bukás ang timpalak sa mga dalít, diyóna, at tanagà na nakasulat sa wikang Filipino na pumapaksa tungkol sa “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon” at/o tema ng Buwan ng Panitikan 2025.

Mga tuntúnin:

  1. Ipapaskil/ilalagay ang mga tulâ—DIYÓNA, DALÍT, O TANAGÀ—sa Google form link na nakapaskil sa nakatalagang poster ng bawat anyo ng tulâ. Susundin ang sumusunod na iskedyul para sa pagpapaskil:
    • Dalít – Enero 20-Enero 31, 2025
    • Diyóna – Pebrero 3-Pebrero 14, 2025
    • Tanagà – Pebrero 17-Pebrero 28, 2025
  2. Magiging opisyal ang mga lahok kapag ipinasok sa Google form link na matatagpuan sa Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Nasa ibaba ang mga link:
  3. Tatanggap ng mga orihinal na tulâ na nakasulat sa wikang Filipino at nása antas tudlikan. Maaaring paksain ng mga tula ang “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon” at/o ang tema ng Buwan ng Panitikan ng Pilipinas 2025.
  4. Tatanggap ng isang libong piso (P1,000) ang unang sampung magwawagi sa bawat anyo at sertipiko. Ipapaskil sa KWF Facebook page at website ang mga magwawagi sa bawat anyo ng tula.
  5. Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado ng timpalak. – Rappler.com

Читайте на 123ru.net